Wednesday, June 10, 2009

Nahan na si Bernardo Carpio?

Nahan na si Bernardo Carpio?

Akala ko ba'y nakawala na siya sa mga mapagpasang tanikalang bumahid sa kaniyang dangal daantaon nang nakalipas?

Pero oo. Sa labas, makikita nating nailigtas na tayo ng mamang ito. Wala nang naniniil sa atin. May sarili na tayong kapangyarihan. Araw ng Kasarinlan.

Pero bakit hindi tayo malaya?

Nakamit nga ng ating bayan ang kasarinlan, ang kaniyang anak nama'y hindi paring ganap na nakamtan ang kalayaan.

Nahan na ang dangal at pag-ibig ng Pilipino sa tinubuang lupa? Ang pag-ibig na umalab sa kaniyang damdamin dantaon nang nakalipas upang makiisa kay Bernardo Carpio at patalsikin ang mga manlulupig sa ating bayan.

Nahan na ang dangal at pag-ibig ng Pilipino sa tinubuang lupa?

No comments:

Post a Comment